Show simple item record

dc.contributor.authorBacio, Salvador P., Jr.
dc.coverage.spatialPilipinasen
dc.date.accessioned2022-06-08T04:48:26Z
dc.date.available2022-06-08T04:48:26Z
dc.date.issued2016-12
dc.identifier.citationBacio, S. P. Jr. (2016). Epekto ng kantahing-bayang klasikal sa kakayahang kognitibo ng mga mag-aaral sa Filipino. WVSU College of Arts and Sciences Research Journal, 10, 76-89.en
dc.identifier.issn0119-7827
dc.identifier.urihttp://repository.wvsu.edu.ph/handle/123456789/142
dc.description.abstractAng quasi-experimental na pag-aaral na ito ay naglayong matukoy ang epekto ng pakikinig sa kantahing-bayang klasikal sa antas ng kakayahang kognitibo ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang mga kalahok ay binuo ng apatnapung (40) mga mag-aaral mula sa ikalawang taon ng Iloilo National High School - School for the Arts. Ang pangkat eksperimental ay pinatugtugan ng mga kantahing-bayang klasikal habang sila ay may pangkatan, indibidwal na gawain at mga pagsusulit. Samantalang ang "Control Group" ay nasa pagdulog na tradisyunal na pagtuturo at walang musikang pinatugtog. Para sa pangangalap ng datos, ang mananaliksik ay bumuo ng pagsusulit na dumaan sa masusing balidasyon ng mga ekspertong guro sa Filipino, Para sa interpretasyon ng mga datos, ang katampatang tuos (mean) at standard deviation ay ginamit para sa istadistikal na paglalarawan. Ang Mann-Whitney U-Test at Wilcoxon Signed-Rank Test naman ay ginamit para sa istadistikang inferensyal. Ang lahat ng antas ng kabuluhan ay itinakda sa 0.05 alpha. Ang kakayahang kognitibo ng mga mag aaral sa eksperimental na pangkat at ng kontroladong pangkat batay sa kanilang pauna at panapos na pagsusulit ay "katamtaman" lamang. Walang makabuluhang pagkakaiba ang ipinakita ng paunang pagsusulit ng mga mag aaral sa tradisyunal na pagtuturo at sa pangkat na isinalang sa pakikinig sa kantahing-bayang klasikal. Nagkaroon ng makabuluhang pagkakaiba sa pauna at panapos na pagsusulit sa antas ng kakayahang kognitibo ng mga mag-aaral sa pangkat na nasa tradisyunal na pagtuturo at sa pangkat na isinalang sa pakikinig sa kantahing-bayang klasikal. Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kakayahang kognitibo ng mga mag-aaral sa pangkat na isinalang sa pakikinig ng kantahing-bayang klasikal at sa pangkat na nasa tradisyunal na pagtuturo na ipinakita ng kanilang panapos na pagsusulit.en
dc.language.isofilen
dc.publisherCollege of Arts and Sciences, West Visayas State Universityen
dc.subjectKantahing-bayang klasikalen
dc.subjectFilipinoen
dc.subjectKakayahang kognitiboen
dc.subjectPagkuha ng pagsusuliten
dc.subject.lcshFilipinos--Educationen
dc.subject.lcshTagalog languageen
dc.subject.lcshCognitive learning
dc.subject.lcshFolk songs
dc.subject.lcshMusic
dc.subject.lcshTest-taking skills
dc.subject.lcshTest-taking skills--Study and teaching
dc.titleEpekto ng pakikinig ng kantahing-bayang klasikal sa kakayahang kognitibo ng mga mag-aaral sa Filipinoen
dc.typeArticleen
dcterms.accessRightsLimited public accessen
dc.citation.journaltitleWVSU College of Arts and Sciences Research Journalen
dc.citation.volume10en
dc.citation.firstpage76en
dc.citation.lastpage89en


Files in this item

FilesSizeFormatView

There are no files associated with this item.

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record