Katatasan sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag-aaral ng senior high school: Batayan sa pagbuo ng programang pampagsasanay
dc.contributor.advisor | Tanaleon, Lorey F. | |
dc.contributor.author | Tagnong, Romeo L. | |
dc.coverage.spatial | Iloilo | en |
dc.coverage.spatial | Antique | en |
dc.date.accessioned | 2024-10-04T14:13:37Z | |
dc.date.available | 2024-10-04T14:13:37Z | |
dc.date.issued | 2021-08 | |
dc.identifier.citation | Tagnong, R. L. (2021). Katatasan sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag-aaral ng senior high school: batayan sa pagbuo ng programang pampagsasanay [Masters' thesis, West Visayas State University]. WVSU Institutional Repository and Electronic Dissertations and Theses PLUS. | en |
dc.identifier.uri | https://hdl.handle.net/20.500.14353/681 | |
dc.description.abstract | Layunin ng deskriptibong pananaliksik na ito na matukoy ang katatasan sa pagsasalita sa wikang Filipino ng mga mag-aaral ng Grade 12 (STEM at ABM) ng Laboratory High School, Pamantasan ng Antique, taong panuruan 2020-2021. Ang kalahok sa pananaliksik ay binubuo ng labintatlong (13) lalaki at dalawampu't tatlong (23) babae mula sa STEM at labinsiyam (19) na Lalaki at dalawampu't apat (24) na babae mula sa ABM, talongpu't anim (36) na lalaki at apatnapu't tatlong (43) babae sa kabuuan. Ang instrumentong hango sa Fresno Schools California na ginamit ni Failanga (2015) ang siyang ginamit ng mananaliksik sa pagtukoy sa antas ng katatasan sa Filipino na aspekto ng mga kalahok. Nagkaroon ng aktual na panayam sa mga tagatugon matapos isagawa ang pag-aaral gamit ang adapted instruments, katampatang- tuos, standard deviation, t- test at ANOVA ang pangunahing istadistikang ginamit sa pananaliksik na ito. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay nagpapakita na ang antas ng katatasan sa Filipino ng mga mag-aaral ng ikalabindalawang baitang sa kabuuan ay katamtaman. Naipakita rin ang kaibahan sa antas sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag aaral ayon sa kahantaran sa midya na ibig sabihin ay may epekto ang pagkakaroon ng kahantaran sa midya sa kanilang kasanayan pagdating sa pagsasalita. Mayroong makabuluhang pagkakaiba sa katatasan sa pagsasalita at bokabularyo nang pinangkat ito ayon sa kasarian samantalang walang makabuluhang pagkakaiba kung susuriin ayon sa kahulugan at istruktura ng pangungusap. Inilahad din na walang makabuluhang pagkakaiba sa katatasan ng pagsasalita, kahulugan, istruktura ng pangungusap, at bokabularyo ayon sa Academic Strand. Kahit na napabibilang sa magkaibang strand ang mga mag-aaral ay malinaw na hindi nito naaapektuhan ang antas ng katatasan sa pagsasalita sa Filipino kung susuriin ayon sa katatasan, kahulugan, istruktura ng pangungusap at bokabularyo. | en |
dc.format.extent | xiii, 115 p. : ill. (col.) | en |
dc.language.iso | fil | en |
dc.publisher | West Visayas State University | en |
dc.subject | Katatasan sa pagsasalita | en |
dc.subject | Filipino | en |
dc.subject | Senior High School | en |
dc.subject | Programang pampagsasanay | en |
dc.subject | STEM | en |
dc.subject | ABM | en |
dc.subject | K-12 Education Program | en |
dc.subject | Laboratory High School | en |
dc.subject | Wikang Filipino | en |
dc.subject | Antas ng katatasan | en |
dc.subject | Mga salik na mataas na pagsasalita | en |
dc.subject | Theory of communicative competence | en |
dc.subject | Kahantaran sa midya | en |
dc.subject | Kurikulum | en |
dc.subject | Kasanayan | en |
dc.subject | Deskriptibong pananaliksik | en |
dc.subject | Fresno schools California | en |
dc.subject.lcsh | Filipino language | en |
dc.subject.lcsh | Filipino language--Study and teaching | en |
dc.subject.lcsh | Fluency (Language learning) | en |
dc.subject.lcsh | ||
dc.title | Katatasan sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag-aaral ng senior high school: Batayan sa pagbuo ng programang pampagsasanay | en |
dc.type | Thesis | en |
dcterms.accessRights | Limited public access | en |
thesis.degree.discipline | Filipino | en |
thesis.degree.grantor | West Visayas State University | en |
thesis.degree.level | Masters | en |
thesis.degree.name | Master of Arts in Education | en |
dc.contributor.chair | Zolina, Merlyn F. | |
dc.contributor.committeemember | Gabasa, Chive G. | |
dc.contributor.committeemember | Borja, Francisca T. | |
dc.subject.sdg | SDG 4 - Quality education | en |
Files in this item
This item appears in the following Collection(s)
-
2. Master's Theses [97]