Katatasan sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag-aaral ng senior high school: Batayan sa pagbuo ng programang pampagsasanay
Share
Zusammenfassung
Layunin ng deskriptibong pananaliksik na ito na matukoy ang katatasan sa pagsasalita sa wikang Filipino ng mga mag-aaral ng Grade 12 (STEM at ABM) ng Laboratory High School, Pamantasan ng Antique, taong panuruan 2020-2021. Ang kalahok sa pananaliksik ay binubuo ng labintatlong (13) lalaki at dalawampu't tatlong (23) babae mula sa STEM at labinsiyam (19) na Lalaki at dalawampu't apat (24) na babae mula sa ABM, talongpu't anim (36) na lalaki at apatnapu't tatlong (43) babae sa kabuuan. Ang instrumentong hango sa Fresno Schools California na ginamit ni Failanga (2015) ang siyang ginamit ng mananaliksik sa pagtukoy sa antas ng katatasan sa Filipino na aspekto ng mga kalahok. Nagkaroon ng aktual na panayam sa mga tagatugon matapos isagawa ang pag-aaral gamit ang adapted instruments, katampatang- tuos, standard deviation, t- test at ANOVA ang pangunahing istadistikang ginamit sa pananaliksik na ito. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay nagpapakita na ang antas ng katatasan sa Filipino ng mga mag-aaral ng ikalabindalawang baitang sa kabuuan ay katamtaman. Naipakita rin ang kaibahan sa antas sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag aaral ayon sa kahantaran sa midya na ibig sabihin ay may epekto ang pagkakaroon ng kahantaran sa midya sa kanilang kasanayan pagdating sa pagsasalita. Mayroong makabuluhang pagkakaiba sa katatasan sa pagsasalita at bokabularyo nang pinangkat ito ayon sa kasarian samantalang walang makabuluhang pagkakaiba kung susuriin ayon sa kahulugan at istruktura ng pangungusap. Inilahad din na walang makabuluhang pagkakaiba sa katatasan ng pagsasalita, kahulugan, istruktura ng pangungusap, at bokabularyo ayon sa Academic Strand. Kahit na napabibilang sa magkaibang strand ang mga mag-aaral ay malinaw na hindi nito naaapektuhan ang antas ng katatasan sa pagsasalita sa Filipino kung susuriin ayon sa katatasan, kahulugan, istruktura ng pangungusap at bokabularyo.
Recommended Citation
Tagnong, R. L. (2021). Katatasan sa pagsasalita sa Filipino ng mga mag-aaral ng senior high school: batayan sa pagbuo ng programang pampagsasanay [Masters' thesis, West Visayas State University]. WVSU Institutional Repository and Electronic Dissertations and Theses PLUS.
Type
ThesisKeywords
Katatasan sa pagsasalita Filipino Senior High School Programang pampagsasanay STEM ABM K-12 Education Program Laboratory High School Wikang Filipino Antas ng katatasan Mga salik na mataas na pagsasalita Theory of communicative competence Kahantaran sa midya Kurikulum Kasanayan Deskriptibong pananaliksik Fresno schools California
Degree Discipline
FilipinoDegree Name
Master of Arts in EducationDegree Level
MastersPhysical Description
xiii, 115 p. : ill. (col.)
Collections
- 2. Master's Theses [97]
Verwandte Dokumente
Anzeige der Dokumente mit ähnlichem Titel, Autor, Urheber und Thema.
-
Leadership styles of Thai administrators and performance and satisfaction in the job of Filipino teachers in Thai schools
Calmita, Sheila Mae S. (West Visayas State University, 2017-05)This study determined the leadership styles of Thai administrators and performance and satisfaction in the job of Filipino teachers in Thai schools. This descriptive method of research was conducted using the purposive ... -
Aeta creatives in the 21st century: Intercultural implications of teaching
Puljanan, Ryan C.; Garcia, Jemuel B., Jr.; Nuñeza, Elizabeth G.; Paclibar, Weena M. (College of PESCAR, West Visayas State University, 2017-12)Panay is an island in the Philippines where groups of the aborigines called Ati are located. In Iloilo and Guimaras, the Ati have found mountains and valleys to settle in after centuries of wandering as nomads. The mainstream ... -
"Visible thinking routine" sa pagtuturo ng panitikan: Pagtiyak sa antas ng kasanayan sa pag-unawa sa binasa
Panes-Arenga, Mary Jane B. (West Visayas State University, 2021-07)Ang pag-aaral na ito ay isang quasi-eksperimental na pananaliksik na gumamit ng disenyong pretest-posttest control group. Layunin nitong tiyakin ang bisa ng paggamit ng Visible Thinking Routine sa paglinang ng kasanayan ...