WIRED++WVSU Institutional Repository and Electronic Dissertation and Theses PLUS
    • English
    • Filipino
    • Deutsch
    • русский
  • English 
    • English
    • Filipino
    • Deutsch
    • русский
  • Login
View Item 
  •   WIRED++ Home
  • WVSU Electronic Theses and Dissertations
  • 2. Master's Theses
  • View Item
  •   WIRED++ Home
  • WVSU Electronic Theses and Dissertations
  • 2. Master's Theses
  • View Item
JavaScript is disabled for your browser. Some features of this site may not work without it.

Antas ng kahandaan ng mga guro sa pagtuturo ng K to 12 kurikulum (Filipino)

Thumbnail
View/Open
WVSU-M-COE-MTH-2015-CasipeRB.OCR.pdf (323.0Kb)
Date
2015-03
Author
Casipe, Ruel Jr. B.
Thesis Adviser
Tanaleon, Lorey F.
Committee Chair
Denusta, Jonalyn L.
Committee Members
Lazarito, Diolita N.
Palomo, Emellie G.
Metadata
Show full item record
Share 
 
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay deskriptibong pananaliksik na may layuning matukoy ang antas ng kahandaan ng mga guro na nagtuturo ng Filipino sa grade 7 sa pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Iloilo sa taong panuruan 2013-2014. Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ¡to ay binubuo ng animnapung guro na nagtuturo sa Grade 7 -tatlumpo mula sa pampublikong paaralan at tatlumpo mula sa pribadong paaralan. Ang talatanungan ay binuo ng mananaliksik , idinaan sa balidasyon at nakakuha ng reliability na .956. Binubuo ng dalawang bahagi ang talatanungan. Ang unang bahagi ay naglalaman ng katanungan ukol sa personal na ¡mpormasyon ng tagatugon. Ang ikalawang bahagi ay binubuo naman ng mga pahayag naglalayong alamin ang antas ng kahandaan ng mga guro sa nilalaman, pamamaraan, pagtataya at implementasyon ng kurikulum. Ang ikatlong bahagi ay gabay na tanong upang alamin ang suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng K to 12 BEC. Ginamit ang random sampling (fishbowl technique) sa pagpili ng mga tagatugon. Ginamit ang Mean and Standard Deviation sa pagsusuri ng mga datos at ang Analysis of Variance (ANOVA) at t-test for Independent Samples para sa imperensyal na pagsusuri ng datos na kapwa itinuon sa .05 antas ng kabuluhan. Sa kabuuan, nang pinangkat ang mga guro ayon sa edad, lumabas na napakataas ang kanilang kahandaan sa nilalaman, pamamaraan, pagtataya at implementasyon ng kurikulum. Nang pinangkat ang mga guro ayon sa haba ng pagtuturo sa kabuuan, lumabas na napakataas ang kanilang kahandaan sa nilalaman, pamamaraan, pagtataya at implementasyon ng kurikulum. Nang pinangkat ang mga guro ayon sa uri ng paaralan sa kabuuan, napakataas din ng kahandaan sa nilalaman, pamamaraan, pagtataya at Implementasyon ng kurikulum. Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kahandaan sa nilalaman nang pinangkat ayon sa kanilang edad at haba ng pagtuturo. May makabuluhang pagkakaiba naman sa antas ng kahandaan sa nilalaman nang pinangkat ayon sa uri ng paaralang pinanggalingan. Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kahandaan sa pamamaraan at pagtataya nang pinangkat ayon sa edad, haba ng pagtuturo at sa uri ng paaralang pinanggalingan. Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kahandaan sa implementasyon nang pinangkat ayon sa edad at haba ng pagtuturo. Magkapareho naman ang antas ng kahandaan sa Implementasyon ng kurikulum nang pinangkat sa uri ng paaralang pinanggalingan. Samakatwid, walang mapaghambingan ng makabuluhang pagkakaiba. Ang kadalasang suliraning nakakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa K to 12 Kurikulum ay ang kakulangan sa sanggunian at kagamitan, pagsusulit at pagmamarka sa KPUP, kahandaan ng mga bata at guro at kakulangan sa pagsasanay, iba ang nilalaman at mga kompetensi sa modyul ng pribadong paaralan, napakaraming performance task na hindi nagagawa ng tama, komprehensyon sa nilalaman ng mga aralin, kakulangan sa mga araling panggramatika, kakulangan sa oras ng pagtuturo at maraming paksa na hindi mauubos sa ¡sang taon, paglikha ng mga kagamitang pampagtuturo, paninibago sa mga pamamaraan at kakulangan ng internet connection at mga sanggunian.
Contributes to SDGs
SDG 4 - Quality education
URI
https://hdl.handle.net/20.500.14353/1113
Recommended Citation
Casipe, R. B. (2015). Antas ng kahandaan ng mga guro sa pagtuturo ng K to 12 kurikulum (Filipino) [Master's thesis, West Visayas State University]. WVSU Institutional Repository and Electronic Dissertation and Theses PLUS.
Type
Thesis
Keywords
Kahandaan Pagtuturo K to 12 kurikulum Filipino Descriptive research K to 12 curriculum
Subject
Filipino language--Study and teaching OCLC - FAST (Faceted Application of Subject Terminology) Teacher readiness OCLC - FAST (Faceted Application of Subject Terminology) Curriculum implementation OCLC - FAST (Faceted Application of Subject Terminology)
Degree Discipline
Filipino
Degree Name
Master ng mga Sining sa Edukasyon
Degree Level
Masters
Physical Description
xv, 146 p.
Collections
  • 2. Master's Theses [217]

© 2026 University Learning Resource Center | WVSU
Contact Us | Send Feedback
 

 

Browse

All of WIRED++Communities & CollectionsBy Issue DateAuthorsTitlesSubjectsThis CollectionBy Issue DateAuthorsTitlesSubjects

My Account

LoginRegister

Statistics

View Usage Statistics

© 2026 University Learning Resource Center | WVSU
Contact Us | Send Feedback
 

 

EXTERNAL LINKS DISCLAIMER

This link is being provided as a convenience and for informational purposes only. West Visayas State University bears no responsibility for the accuracy, legality or content of the external site or for that of subsequent links. Contact the external site for answers to questions regarding its content.

If you come across any external links that don't work, we would be grateful if you could report them to the repository administrators.

Click DOWNLOAD to open/view the file. Chat Graciano to inform us in case the link we provided don't work.

Download