Video lessons sa Filipino 7 gamit ang Open Broadcaster Software (OBS): Pagbuo at pagtataya
Share
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo ng video lessons sa Filipino 7 gamit ang Open Broadcaster Software (OBS) at pagtaya ng antas ng pagtanggap nito bilang kagamitang pampagtuturo. Gumamit ng debelopmental na disenyo ang mananaliksik sa pag-aaral na ito. Ang tatlong (3) hindi natamong kompetensi sa Filipino 7 na may mababang tugon batay sa resulta ng isinagawang pagsusulit sa mga piling mag-aaral sa baitang 7 ng Leon National High School sa taong panuruang 2022-2023 mula sa Batayang Pangkurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon ang sumasaklaw sa ginawang kagamitan. Dumaan sa mga hakbang o proseso ang pagbuo ng video lessons gamit ang IPO o Input-Process-Output Model. Sa pamamagitan ng talatanungan, sinuri at tiniyak ng mga piling tagataya ang antas ng pagtanggap ng video lessons ayon sa iba't ibang aspekto. Ginamit ang frequency count, percentage at rank sa pag-alam sa saklaw ng binuong video lessons. Ginamit naman ang katampatang-tuos o mean at standard deviation sa pagtiyak ng antas ng pagtanggap ng nabuong kagamitan. Lumabas na napakataas ang antas ng pagtanggap ng binuong kagamitan na may mean na 3.88 sa kabuuan batay sa sumusunod na mga aspekto: aspektong pisikal, layunin, paksang- aralin, gawaing pampagsasanay, pagsubok at pagtataya at aspektong teknikal. Samakatuwid, ang paggamit ng video lessons ay magiging mabisang kagamitang pampagtuturo na naaayon sa gabay pangkurikulum ng Filipino 7 na makatutulong sa madali at mabisang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga aralin. Iminumungkahi ng pag-aaral na gamitin ang nabuong video lessons bilang kagamitang pampagtuturo sa baitang 7 upang mas mapaunlad, mapayaman at mapahalagahan ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino sa dalawang larang-ang wika at panitikan.
Recommended Citation
Montaño, H. C. (2023). Video lessons sa Filipino 7 gamit ang Open Broadcaster Software (OBS): Pagbuo at pagtataya. [Master's thesis, West Visayas State University]. WVSU Institutional Repository and Electronic Dissertation and Theses PLUS.
Type
ThesisKeywords
Video lessons Filipino 7 Education technology Developmental research Leon National High School Open Broadcaster Software OBS Input-Process-Output model IPO Development Forecasts Video lessons Technology K-12 curriculum K-12 basic education curriculum Filipino in K-12 curriculum Language Literature Teaching strategies
Subject
Degree Discipline
FilipinoDegree Name
Master ng mga Sining sa EdukasyonDegree Level
MastersPhysical Description
xiii, 149 p. : ill. (col.)
Collections
- 2. Master's Theses [217]



