Mga hindi na master na kompetensi sa komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino: batayan sa pagbuo ng 21st century skills modyul
Share
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglayong makabuo ng isang modyul bilang kagamitang pampagtuturo na lilinang ng ika-21 siglong kakayahan ng mga mag-aaral sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (KPWKP). Design Research ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito. Ginamit ang ADDIE model bilang gabay sa pagbuo ng modyul. Nagkaroon ng batayang pananaliksik upang matukoy ng mga least mastered skills sa KPWKP na naging batayan din ng mga saklaw na paksang ginawan ng modyul. Dumaan sa pagpapahusay ng face and content value ng mga gurong nagtuturo sa KPWKP ang ginawang modyul. Sumailalim sa pilot testing ang nabuong kagamitan na nilahukan ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang at pinataya na rin ito sa mga mag-aaral kasama ng pagkuha ng kanilang mga reaksyon sa pamamagitan ng in-depth interbyu. Tinaya ng mga piling gurong nagtuturo ng KPWKP at mga dalubhasa sa pagbubuo ng modyul ang kagamitang pampagtuturo gamit ang talatanungan at batay sa sumusunod na pamantayan: (a) pisikal na anyo, (b) kompetensing nililinang, (c) mga gawain, (d) estilo at presentasyon, at (e) pagsubok at pagsasanay. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ay napakahusay ang nabuong modyul na lilinang ng 21st Century Skills ng mga mag-aaral - ang 4Cs (critical thinking, collaboration, communication, creativity). Sa kabuuan at batay sa iba't ibang aspekto, positibo ang mga reaksyong ibinigay ng mga mag-aaral sa paggamit ng modyul. Masasabing ang nabuong modyul ay epektibong alternatibong kagamitang pampagtuturo na magagamit at makalilinang ng mga ika-21 siglong kakayahan ng mga mag-aaaral. Iminumungkahi ng mananaliksik na gamitin ang modyul bilang alternatibong kagamitang pampagtuturo sa KPWKP.
Recommended Citation
Bagonoc, R. B. (2022). Mga hindi na master na kompetensi sa komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino: Batayan sa pagbuo ng 21st century skills modyul. [Masters' thesis, West Visayas State University]. WVSU Institutional Repository and Electronic Dissertations and Theses PLUS.
Type
ThesisKeywords
Subject
Degree Discipline
FilipinoDegree Name
Master of Arts in EducationDegree Level
MastersPhysical Description
xiv, 179 p.
Collections
- 2. Master's Theses [126]