Zur Kurzanzeige

dc.contributor.advisorTanaleon, Lorey F.
dc.contributor.authorCasipe, Ruel Jr. B.
dc.date.accessioned2026-06-22T03:54:01Z
dc.date.available2026-06-22T03:54:01Z
dc.date.issued2015-03
dc.identifier.citationCasipe, R. B. (2015). Antas ng kahandaan ng mga guro sa pagtuturo ng K to 12 kurikulum (Filipino) [Master's thesis, West Visayas State University]. WVSU Institutional Repository and Electronic Dissertation and Theses PLUS.en
dc.identifier.urihttps://hdl.handle.net/20.500.14353/1113
dc.description.abstractAng pag-aaral na ito ay deskriptibong pananaliksik na may layuning matukoy ang antas ng kahandaan ng mga guro na nagtuturo ng Filipino sa grade 7 sa pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Iloilo sa taong panuruan 2013-2014. Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ¡to ay binubuo ng animnapung guro na nagtuturo sa Grade 7 -tatlumpo mula sa pampublikong paaralan at tatlumpo mula sa pribadong paaralan. Ang talatanungan ay binuo ng mananaliksik , idinaan sa balidasyon at nakakuha ng reliability na .956. Binubuo ng dalawang bahagi ang talatanungan. Ang unang bahagi ay naglalaman ng katanungan ukol sa personal na ¡mpormasyon ng tagatugon. Ang ikalawang bahagi ay binubuo naman ng mga pahayag naglalayong alamin ang antas ng kahandaan ng mga guro sa nilalaman, pamamaraan, pagtataya at implementasyon ng kurikulum. Ang ikatlong bahagi ay gabay na tanong upang alamin ang suliraning kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng K to 12 BEC. Ginamit ang random sampling (fishbowl technique) sa pagpili ng mga tagatugon. Ginamit ang Mean and Standard Deviation sa pagsusuri ng mga datos at ang Analysis of Variance (ANOVA) at t-test for Independent Samples para sa imperensyal na pagsusuri ng datos na kapwa itinuon sa .05 antas ng kabuluhan. Sa kabuuan, nang pinangkat ang mga guro ayon sa edad, lumabas na napakataas ang kanilang kahandaan sa nilalaman, pamamaraan, pagtataya at implementasyon ng kurikulum. Nang pinangkat ang mga guro ayon sa haba ng pagtuturo sa kabuuan, lumabas na napakataas ang kanilang kahandaan sa nilalaman, pamamaraan, pagtataya at implementasyon ng kurikulum. Nang pinangkat ang mga guro ayon sa uri ng paaralan sa kabuuan, napakataas din ng kahandaan sa nilalaman, pamamaraan, pagtataya at Implementasyon ng kurikulum. Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kahandaan sa nilalaman nang pinangkat ayon sa kanilang edad at haba ng pagtuturo. May makabuluhang pagkakaiba naman sa antas ng kahandaan sa nilalaman nang pinangkat ayon sa uri ng paaralang pinanggalingan. Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kahandaan sa pamamaraan at pagtataya nang pinangkat ayon sa edad, haba ng pagtuturo at sa uri ng paaralang pinanggalingan. Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kahandaan sa implementasyon nang pinangkat ayon sa edad at haba ng pagtuturo. Magkapareho naman ang antas ng kahandaan sa Implementasyon ng kurikulum nang pinangkat sa uri ng paaralang pinanggalingan. Samakatwid, walang mapaghambingan ng makabuluhang pagkakaiba. Ang kadalasang suliraning nakakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa K to 12 Kurikulum ay ang kakulangan sa sanggunian at kagamitan, pagsusulit at pagmamarka sa KPUP, kahandaan ng mga bata at guro at kakulangan sa pagsasanay, iba ang nilalaman at mga kompetensi sa modyul ng pribadong paaralan, napakaraming performance task na hindi nagagawa ng tama, komprehensyon sa nilalaman ng mga aralin, kakulangan sa mga araling panggramatika, kakulangan sa oras ng pagtuturo at maraming paksa na hindi mauubos sa ¡sang taon, paglikha ng mga kagamitang pampagtuturo, paninibago sa mga pamamaraan at kakulangan ng internet connection at mga sanggunian.en
dc.format.extentxv, 146 p.en
dc.language.isofilen
dc.subjectKahandaanen
dc.subjectPagtuturoen
dc.subjectK to 12 kurikulumen
dc.subjectFilipinoen
dc.subjectDescriptive researchen
dc.subjectK to 12 curriculumen
dc.subject.lcshFilipino language--Study and teachingen
dc.subject.lcshTeacher readinessen
dc.subject.lcshCurriculum implementationen
dc.titleAntas ng kahandaan ng mga guro sa pagtuturo ng K to 12 kurikulum (Filipino)en
dc.typeThesisen
dcterms.accessRightsLimited public accessen
thesis.degree.disciplineFilipinoen
thesis.degree.grantorWest Visayas State Universityen
thesis.degree.levelMastersen
thesis.degree.nameMaster ng mga Sining sa Edukasyonen
dc.contributor.chairDenusta, Jonalyn L.
dc.contributor.committeememberLazarito, Diolita N.
dc.contributor.committeememberPalomo, Emellie G.
dc.subject.sdgSDG 4 - Quality educationen


Dateien zu dieser Ressource

Thumbnail

Das Dokument erscheint in:

Zur Kurzanzeige