Ang imahen ng kababaihang Ilongga sa mga piling akda ni Magdalena G. Jalandoni: Isang dekonstruksiyong pagsusuri
| dc.contributor.advisor | Espina, Bibiana C. | |
| dc.contributor.author | Hachero, Cheryl C. | |
| dc.coverage.spatial | Iloilo | en |
| dc.coverage.spatial | Panay | en |
| dc.coverage.spatial | Western Visayas | en |
| dc.date.accessioned | 2026-06-24T03:58:12Z | |
| dc.date.available | 2026-06-24T03:58:12Z | |
| dc.date.issued | 2013-03 | |
| dc.identifier.citation | Hachero, C. C. (2013).Ang imahen ng kababaihang Ilongga sa mga piling akda ni Magdalena G. Jalandoni: Isang dekonstruksiyong pagsusuri (Filipino) [Master's thesis, West Visayas State University]. WVSU Institutional Repository and Electronic Dissertation and Theses PLUS. | en |
| dc.identifier.uri | https://hdl.handle.net/20.500.14353/1123 | |
| dc.description.abstract | Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong paraan ng pananaliksik na may layuning alamin ang iba't ibang imahen ng kababaihang Ilongga sa mga piling akda ni pa ng Magdalena G. Jalandoni. Ang tatlong mga akda na pinili sa ginawang pag-aaral ay ang nobelang "Juanita Cruz", maikling kwentong "Si Anabella", at dulang "Labi sa Bulawan". Ginamit ang dekonstruksiyong pagdulog sa pagsusuri ng mga akda. Bilang anak, ang babae ay inilarawan bilang isang batang masunurin sa magulang, magalang at mapagkumbaba sa nakakatanda sa kaniya, mapagmahal din siya ngunit dumarating ang pagkakataong natututo rin siyang lumabag sa kagustuhan ng mga magulang. Siya ay imahen ng isang mabuting anak ngunit may sarili din namang paninindigan na hindi lamang sumusunod sa lahat ng mga ipinapagawa sa kaniya kundi ipinaglalaban din niya ang sariling damdamin. Bilang dalaga naman, siya ay inilarawan bilang babaeng maanyag o kahali-halina ang ganda-imahen siya ng isang babaeng may pagpapahalaga sa kagandahan. Napakasegurista din niya o makuyaw pagdating sa mga lalaki, iniingatan talaga niya ang kanyang puri, larawan siya ng kahinhinan at imahen siya ng isang dalagang marangal. Siya din ay babaeng matiisin pagdating sa pag-ibig, mapagsakripisyo kaya imahen siya ng dalagang tapat kung umibig. Ngunit tao lang din naman siya kaya hindi rin nawawala sa kaniya ang pagiging selosa pagdating sa taong minamahal. Bilang asawa naman taglay niya ang katangian ng tipikal na maybahay.7 Inilarawan siya bilang babaeng maaalalahanin sa kaniyang bana at mababanaag ito sa mga kinikilos niya para dito at pag-aalala na rin para sa kalagayan nito. Masuporta din siya sa kaniyang kabiyak dahil kaisa siya ng bana sa mga balak nito at mga gustong mangyari para sa kapakanan ng kanilang pamilya. Matapat din siya dahil nananatili siya sa piling ng bana kahit ano man ang mangyari at kahit namatay na ito ay nandiyan pa rin siya at hindi na naghanap pa ng iba. Imahen siya ng isang mapagmahal na asawa at may katapatan sa bana. Bilang ina naman, inilarawan siya bilang babaeng palasimba o madasalin kung kaya imahen siya ng inang maka-Diyos. Maalaga siya sa kanyang mga anak at mapagmahal sa bayan. Siya ay imahen ng isang dakila at ulirang ina dahil hindi nagtatapos sa kaniyang mga anak ang paninilbihan niya kundi pati na rin sa bayan. | en |
| dc.format.extent | ix, 202 p. | en |
| dc.language.iso | fil | en |
| dc.subject | qualitative research | en |
| dc.subject | Ilongga women | en |
| dc.subject | women representation | en |
| dc.subject | short stories | en |
| dc.subject | Filipino women | en |
| dc.subject | Ilongga image | en |
| dc.subject | Hiligaynon | en |
| dc.subject | novel | en |
| dc.subject | drama | en |
| dc.subject | literary analysis | en |
| dc.subject | literary works | en |
| dc.subject.lcsh | Gender identity in literature | en |
| dc.subject.lcsh | Women in literature | en |
| dc.subject.lcsh | Philippine literature | en |
| dc.subject.lcsh | Jalandoni, Magdalena G. | en |
| dc.subject.lcsh | Gender identity in literature | en |
| dc.subject.lcsh | Women authors, Filipino | en |
| dc.subject.lcsh | Short stories, Hiligaynon | en |
| dc.subject.lcsh | Hiligaynon literature | en |
| dc.subject.lcsh | Literary criticism | en |
| dc.title | Ang imahen ng kababaihang Ilongga sa mga piling akda ni Magdalena G. Jalandoni: Isang dekonstruksiyong pagsusuri | en |
| dc.type | Thesis | en |
| dcterms.accessRights | Limited public access | en |
| thesis.degree.discipline | Filipino Education | en |
| thesis.degree.grantor | West Visayas State University | en |
| thesis.degree.level | Masters | en |
| thesis.degree.name | Sining ng Edukasyon | en |
| dc.contributor.chair | Lazarito, Diolita N. | |
| dc.contributor.committeemember | Borja, Francisca T. | |
| dc.contributor.committeemember | Sustento, Erwin S. | |
| dc.subject.sdg | SDG 4 - Quality education | en |
| dc.subject.sdg | SDG 5 - Gender equality | en |
Files in this item
This item appears in the following Collection(s)
-
2. Master's Theses [224]




