"Visible thinking routine" sa pagtuturo ng panitikan: Pagtiyak sa antas ng kasanayan sa pag-unawa sa binasa
Share
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isang quasi-eksperimental na pananaliksik na gumamit ng disenyong pretest-posttest control group. Layunin nitong tiyakin ang bisa ng paggamit ng Visible Thinking Routine sa paglinang ng kasanayan sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang, taong panuruan 2020-2021 ng isang pribadong paaralan sa Lungsod ng Iloilo. Ginamit sa pagsukat ng antas ng kasanayan sa pag unawa ng mga mag-aaral ang pretest at posttest na sumailalim sa balidasyon at pilot testing. Kasama sa mga kasanayang nilinang ang pagtukoy o pagkilala ng mga detalye, pagpapakahulugan (kontekstwal, denotatibo at konotatibo), pagsusuri ng damdamin at tonong ipinahihiwatig, pagsusuri at paghihinuha ng kaisipan, pag-uugnay at pagpapahalaga ng mga kaisipang nakuha. Para sa pang-istadistikang pagsusuri ng mga datos, ginamit ang mean, standard deviation, t-test for independent samples, paired t test, Shapiro-Wilk test, Wilcoxon signed rank test at Mann-Whitney U test. Ang antas ng kabuluhan ay itinakda sa .05 alpha. Batay sa resulta ng katampatang tuos, ipinakikita na Developing ang antas ng kasanayan sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral bago gamitin ang tradisyunal at Visible Thinking Routine sa pagtuturo ng panitikan at naging Proficient ang antas sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral pagkatapos gamitin ang tradisyunal at Visible Thinking Routine sa pagtuturo ng panitikan. Sa imperensyal na pagtalakay ng mga datos, walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan sa pag-unawa sa binasa ng dalawang pangkat bago gamitin ang tradisyunal at Visible Thinking Routine sa pagtuturo. Lumabas din na walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan sa pag-unawa sa binasa ng dalawang pangkat pagkatapos gamitin ang tradisyunal at Visible Thinking Routine. Samantala, may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa pag-unawa bago at pagkatapos gamitin ang Visible Thinking Routine sa pagtuturo at may makabuluhang pagkakaiba din ang antas ng kasanayan sa pag-unawa sa binasa bago at pagkatapos gamitin ang tradisyunal na pagtuturo sa panitikan. Samantala, makabuluhang pagkakaiba sa mean gain scores ng antas ng kasanayan sa pag-unawa sa binasa bago at pagkatapos gamitin ang tradisyunal at Visible Thinking Routine sa pagtuturo.
Recommended Citation
Panes-Arenga, M. J. B. (2021). "Visible thinking routine" sa pagtuturo ng panitikan: pagtiyak sa antas ng kasanayan sa pag-unawa sa binasa [Master's thesis, West Visayas State University]. WVSU Institutional Repository and Electronic Dissertations and Theses PLUS.
Type
ThesisKeywords
Quasi-experimental study Reading comprehension Teaching literature (Filipino) Visible thinking routine Kontekstwal Denotatibo Konotatibo Tradisyunal na pagtuturo Panitikan Contextualized Blended Program CBL Virtual classroom Independent learning IL Florante at Laura Learning packets Module Guro ng panitikan Pagbasa Pagturo Teoryang top-down Teoryang iskema K-12 kurikulum Teacher facilitated TF 4 C's Teaching tool Komprehensyon Directed Reading Thinking Activity DRTA Directed Reading Approach DRA Departamento ng Filipino Learning Management System LMS
Degree Discipline
FilipinoDegree Name
Master of Arts in EducationDegree Level
MastersPhysical Description
xii, 162 p.
Collections
- 2. Master's Theses [109]