Pagbuo ng instructional package sa komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino
Share
Abstract
Ang debelopmental na pag-aaral na ito ay naglayong makabuo at makataya ng isang instructional package bilang kagamitang pampagtuturo sa mga hindi natamong kompetensi ng mga mag-aaral sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (KPWKP). Ang limang napabilang sa mababang ranggo ng hindi natamong kompetensi sa KPWKP na naging batayan sa pagbuo ng Instructional Package ay 1) Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa 2) Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag-unlad ng wikang Pambansa, 3) Natutukoy ang balita sa radyo at telebisyon, 4) Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood, 5) Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan, Ang instructional package na kinapapalooban ng modyul at powerpoint presentation ay dumaan sa masusing balidasyon ng mga guro at eskperto sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo. Matapos itong marebisa ayon sa komento at suhestiyon ng mga balideytor ay tinaya ang antas ng pagtanggap nito. Sa kabuuan napakataas ng antas ng binuong instructional package batay sa pagtataya ng mga guro na eksperto sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo. Ito ay mabisang alternatibong kagamitan na magagamit upang matulungan ang mga mag-aaral na mapalawak ang kanilang kaalaman at lubos na matutuhan ang mga hindi natamong kompetensi sa asignaturang KPWKP. Iminumungakahi ng mananaliksik na gamitin ang modyul bilang alternatibong kagamitang pampagtuturo sa asignaturang KPWKP.
Recommended Citation
Guirhem, J. G. L. (2023). Pagbuo ng instructional package sa komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. [Masters' Thesis, West Visayas State University]. WVSU Institutional Repository and Electronic Dissertation and Theses PLUS.
Type
ThesisKeywords
Degree Discipline
FilipinoDegree Name
Master of Arts in EducationDegree Level
MastersPhysical Description
xiii, 159 p. :ill. (col.).
Collections
- 2. Master's Theses [115]