Bombo serbisyo: Ang mga programang manipestasyon ng corporate social responsibility ng Bombo Radyo
Share
Abstract
Ang Bombo Radyo Philippines ay isa sa mga sikat na estasyon ng radyo na nagsimula sa lungsod ng Iloilo. Ito ay pinamumunuan ni Dr. Rogelio M. Florete. Mayroon itong station ID na “Ang Pambansang Radyo ng Pilipinas, Basta Radyo...Bombo.” Ang salitang Bombo ay nangangahulugang dram, at ito talaga ang ginagamit ng kanilang mga anchorman habang nagkakaroon ng programa sa loob ng kanilang estudyo.
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa: 1. kasaysayan ng Bombo Radyo Philippines mula sa pagkakatatag hanggang sa kasalukuyang mayroon na itong humigit kumulang 40 na estasyon; 2. mga programa ng Bombo Radyo na pasok sa tinatawag na Corporate Social Responsibility (CSR), at 3. pagtataya sa ambag ng estasyon sa paglilingkod sa komunidad.
Inaasahang makakapag-ambag ang Pananaliksik na ito sa kasaysayang institusyunal sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa papel na ginagampanan ng brodkast midya sa komunidad. Mahalaga ring halimbawa ang Bombo Radyo Philippines sa pagpapadama ng responsibilidad nito sa lipunan. Kasabay ng pagkakaloob ng tulong, dapat ding pansinin na nakatutulong ang mga programang serbisyo ng Bombo Radyo sa malawakang promosyon ng estasyon.
Description
Tala
*Ang mga impormasyon ukol sa kasaysayan at mga gawaing may kaalaman sa CSR ng Bombo Radyo ay mula sa pakikipanayam sa mga tagapagbalita na binabanggit sa bahaging sanggunian ng akdang ito.
Recommended Citation
Detaro, R. F. (2020). Bombo serbisyo: Ang mga programang manipestasyon ng corporate social responsibility ng Bombo Radyo. In V. C. Villan, & F. C. Abaya-Ulindang (Mga Patnugot). TAMBAYAYONG: Ang bayanihan sa kasaysayan at kalinangang Pilipino (pp. 359-368). Asosasyon ng mga Dalubhasa, may Hilig at Interes sa Kasaysayan ng Pilipinas (ADHIKA ng Pilipinas), Inc.; National Commission for Culture and the Arts.
Type
Book chapterISBN
978-971-91717-4-4Keywords
pagsasahimpapawid broadcasting Corporate Social Responsibility panglilingkod-komunidad pagtulong Bombo Radyo Marcelino Militante Florete Bombo Radyo Iloilo Newsound Broadcasting Network Consolidated Broadcasting System NBN CBS People’s Broadcasting System PBS Margaret Ruth Florete Dr. Rogelio Florete CSR Dugong Bombo Bombo Medico Bombo Music Festival